-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 01 18 44 22

Hinimok ni Senadora Imee Marcos ang Department of Trade and Industry (DTI) na paigtingin pa ang mga biglaang inspeksyon sa mga nagtitinda ng school supplies na lumalabag sa bagong-presyong gabay nito na isang buwan pa lamang ang nakalilipas.

Ayon kay Marcos, hindi pinapansin ng mga tindera ang price guide na itinakda ng ahensya.

Sa isinagawang pagmo-monitor ng opisina ng senadora sa presyo ng school supplies sa ilang palengke sa Metro Manila, ang mga notebook ay nagkakahalaga ng 23 hanggang 60 pesos bawat isa, o hanggang walong piso higit pa kaya sa 23 hanggang 52 pesos na nakalista sa price guide ng DTI.

Mas mura ang pad paper ayon sa price guide ng DTI, na nagkakahalaga ng 20 hanggang 28 pesos, pero umabot ng 35 pesos lalo na sa mga palengke sa Caloocan at Rizal.

Mas mababang presyo namwn tulad ng iba’t ibang lapis at ballpen na mabibili sa 7 hanggang 11 pesos, kumpara sa listahan ng DTI na nagkakahalaga ng 11 hanggang 17 pesos.

Gayunpaman, pinuri ni Marcos ang DTI sa mga biglaang inspeksyon nito sa Divisoria at iba pang palengke sa nakaraang dalawang linggo ngunit sinabi na pagkatapos ng inspeksyon, muling nagtaasan ang mga presyo.

Ani pa Marcos, ilang magulang ang mismo nang nagsabi na wala rin silang magawa kahit ipamukha sa mga nagtitinda ang pice guide ng DTI na dapat klaruhin at tutukan.