-- Advertisements --
May hakbang na ginagawa ang Department of Trade and Industry (DTI) para makasabay ang mga maliliit na negosyante sa makabagong pamamaraan ng pagnenegosyo.
Ayon kay DTI Assistant Secretary Glenn Peñaranda, na mayroon silang pinplanong na co-shares of services kung saan dito ay maaring kunin ang mga micro, small, medium enterprises (MSME) para makasama sa e-commerce.
May ugnayan na rin aniya ang DTI sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ukol sa nasabing proyekto.
Patuloy ang kanilang pagkukulekta ng mga listahan ng mga kumpanya na kanilang ilalagay sa digital market place.
Kapag natapos na aniya ay dito nila ibabase ang mga financial support sa mga MSME.










