Umaasa ngayon ang Department of Social Welfare and Development(DSWD) na papaburan ng mga mambabatas ang mas mataas na pondo para sa mga indigent senior citizen sa buong bansa.
Ang alokasyon kasi sa taong ito, para sa Social Services program ng Social Welfare Department ay umaabot sa P48.81billion.
Ito ay halos doble sa kasalukuyang P25.30billion.
Malaking bahagi ng nasabing pondo ay upang matugunan ang hinihinging pondo ng Republic Act No. 11916, o ang batas na naglalaan ng mas mataas na pension para sa mga senior citizen sa buong bansa.
Sa nasabing batas, tataas ng 100% ang buwanang pension ng mga senior mula sa P500.00 patungong P1,000.00.
Ayon kay DSWD Asst Sec. Romel Lopez, nais nilang matupad ang pangako ng batas para sa mga mahihirap na senior, at ang mas mataas na pondo para sa Social Services ang daan para rito.
Tiniyak din ng opisyal ang tuloy-tuloy nitong patutok sa National Commission of Senior Citizens para matiyak na ang mga kwalipikadong senior ang mapapabilang sa nasabing programa.