-- Advertisements --
Handa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng tulong sa mga local government units sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Dante.
Ayon sa DSWD, mayroon silang standby resources na nagkakahalaga ng P1.105 billion.
Sa naturang halaga, P113 million ang ginamit sa pagbili ng 222,382 food packs at P766 million naman para sa karagdagang food at non-food items.
Mayroon ding P225 million pang standby funds ang DSWD, kung saan P181.2 million ang itinabi para sa disaster response at early recovery operations.
Ang mga resources na ito ay strategically prepositions na sa 17 regional warehouses at 34 DSWD warehouses sa buong bansa, lalo na sa mga rehiyon na sinasabing tatamaan ng Bagyong Dante.