-- Advertisements --

Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ma-accommodate ang 90,000 beneficiaries sa ikalawang araw ng educational cash aid distribution sa 200 payout sites sa buong bansa.

Inihayag ni DSWD spokesperson Romel Lopez na nananatiling “manageable” ang 200 payout sites sa buong bansa ngayong araw.

Iginiit naman ng kagawaran na walang pinayagang walk-in transactions ngayong araw.

Layunin ng patakaran na maiwasan ang pagdami ng maraming tao tulad ng mga pumunta sa DSWD central at regional offices noong Sabado. nag-udyok sa ahensya na humingi ng tulong sa mga local government units.

Ang tulong pinansyal para sa mga kwalipikadong estudyante ay P1,000 para sa elementarya, P2,000 para sa junior high school, P3,000 para sa senior high school at P4,000 para sa mga mag-aaral sa kolehiyo o sa mga kumukuha ng vocational courses.

Tatlong estudyante lamang bawat pamilya ang makakatanggap ng tulong na pera.

Aabot sa 400,000 indigent students ang nakatakdang makinabang sa educational cash aid matapos tumaas ang budget para sa programa sa P1.5 billion pesos.