-- Advertisements --

Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng financial assistance sa mga mahihirap na mag-aaral.

Ayon kay% DSWD Secretary Erwin Tulfo, na makakatanggap ng P1,000 sa mga nasa elementary, P2,000 sa mga high school students, P3,000 sa mga senior high school students at P4,000 para sa mga college students o vocational courses.

Ang nasabing programa bilang assistance para sa mga Individuals in Crisis Situation ay magtatapos ng hanggang Setyembre 24.

Magbubukas ng ala-siyete ng umaga ang kanilang main office sa Quezon City habang ang mga regional, provincial at satellite offices ay magbubukas ng alas-8:00 ng umaga.

Kailangan lamang magdala ng kanilang enrollment certificate at school ID ang mga kukuha ng assistance.

Pakiusap pa ng kalihim sa mga magulang na huwag ng dalhin ang kanilang mga anak.

Ginagawa aniya nila ang kanilang makakaya para hindi na pumila ng matagal ang mga kukuha ng nasabing cash assistance.