-- Advertisements --
image 240

Nanawagan ngayon ang Department of Social Welfare and Development sa mga pribadong sektor upang malabanan ang malnutrisyon sa bansa.

Ayon sa ahensya, pinaplantsa na nila ang ilang pakikipagtulungan sa Management Association of the Philippines para sa pagsasagawa ng data collection at analytics.

Kabilang na rito ang pagpapakalat ng mga kamalayan tungkol sa wastong nutrisyon.

Bagamat hanggang sa ngayon ay wala pa silang pinipirmahan na anumang kasunduan, siniguro ni DSWD Sec. Gatchalian na nagpapatuloy na aniya ng kanilang pakikipagtulungan sa mga private organization sa aspeto ng pagbibigay ng nutrition education.

Bukod dito ay ongoing pa rin ang pilot run ng food stamp program ng kanilang ahensya.

Kung maaalala, inilunsad ng Management Association of the Philippines ang kanilang kampanya laban sa malnutrisyon at pagkabansot. ngayong taon lamang .