CENTRAL MINDANAO- Namahagi ang lokal na pamahalaan ng Alamada Cotabato ng food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga drivers sa nabanggit na bayan na labis na naapektuhan ng pandemyang COVID-19.
Nasa mahigit 500 drivers ang nakabenepisyo nito mula sa iba’t ibang driver’s association sa anim na barangay ng Alamada.
Kabilang rito ang mga driver ng habal-habal, payong-payong, van, double-tire jeep at iba pa.
Labis naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryong driver sa LGU-Alamada at DSWD sa natanggap nitong tulong lalo pa at matumal pa din ang kita sa mga biyahe.
Samantala, kasabay nito ay nagsagawa din ng information drive ang Philippine National Police (PNP-Alamada) sa mga drivers tungkol sa “DOs and DON’Ts” sa pagmamaneho.