-- Advertisements --

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the Civil Defense (OCD) para mapahusay pa ang kanilang disaster response.

Ibinahagi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang mga framework para sila ay makabuo ng supply chain mechanisms tuwing mayroong disaster relief efforts.

Sa pamamagitan aniya nito ay mas lalong mapapabilis nila ang pagreresponde o pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng anumang kalamidad.

Pagtitiyak naman nito na ipagpapatuloy nila na mapataas ang kapasidad ng ahensiya sa kahandaan nila tuwing may kalamidad.