-- Advertisements --
image 410

Nakikipag ugnayan ang DSWD sa Australian Gov bilang hakbang sa mas pinaiigting na disaster response ng ahensya.

Nito lamang ay nakipagpulong si DSWD Sec Rex Gatchalian sa Australian Embassy in the Philippines na pinangungunahan ni HK Yu PSM.

Nabanggit sa nasabing pagpupulong ang ilang paraan upang mas mapaganda at mapabuti pa ang disaster response mechanism, community development initiatives, at social protection efforts sa bansa.

Ibinahagi ng Australian Embassy ang kanilang programa na Strengthening Institutions and Empowering Localities Against Disasters and Climate Change (SHIELD).

Ito umano ay ipinatutupad ng ahensya sa 11 na LGU sa kanilang bansa at itong programa ay nais rin nilang mapatupad sa Pilipinas.

Ayon naman kay Sec Gatchalian, plano naman ng ahensya ang Social Welfare and Development Center for Asia and the Pacific kung saan ito ay isang academy na mag ooffer ng short term courses para mas mahasa ang social service workforce lalong lalo na ang mga social workers ng bansa.

Suportado naman ng Australian gov ang bansa at sa katunayan ay magbibigay pa ito ng technical assistance pagdating sa mga training para sa professional development programs.