-- Advertisements --

Aabot sa 331 reports ng online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) ang natanggap ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula noong 2019 hanggang 2021.

Ayon sa kagawaran, maaring lumala ang mga kasong ito sa kasagsagan ng pandemya dahil mas nakatutok ang mga tao sa mga gadgets at teknolohiya.

Base sa datos ng DWSD, 138 cases ang napaulat noong 2019 habang 129 cases naman ang naitala noong 2020.

Mula noong Enero hanggang Setyembre lamang ng kasalukuyang taon, nasa 64 cases ang naitala ng DSWD.

Karamihan pa rin sa mga kasong ito ay mga kababaihan ang nabibiktima.

Aminado si DSWD assistant secretary Glenda Relova na “borderless” pa rin ang krimen na ito kasi minsan ang mga nasa likod nito ay nasa ibang bansa habang ang mga nabibiktimang kabataan ay nasa Pilipinas.

Gayunman, tiniyak ni Relova na sinisikap ng kagawaran at kanilang mga partners na masawata ang problemang ito.

Sa katunayan, may mga naaresto na nga ang DSWD at ang Philippine National Police na nagbebenta ng mga pornographic materials sa social media.

Ang mga naarestong indibidwal ay kakasuhan nila.