Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga residente at pamilyang naapektuhan ng sama ng panahong dulot ng shear line.
Nanguna sa pamamahagi ng cash aid ang mga tauhan ng DSWD XI-Davao Region.
Ang naturang ayuda ay sa pamamagitan ng Emergency Cash Transfer ng ahensya .
Batay sa datos, aabot sa limang daang pamilya mula sa Barangay Cabayangan sa Braulio E. Dujali, Davao Del Norte ang naabutan ng financial aid.
Aabot naman sa halos ₱5-million ang inilaang pondo rito ng DSWD para sa naturang programa.
Nakatanggap naman ang bawat isang pamilya ng ₱9,960 cash assistance mula sa programa ng ahensya.
Tiniyak rin ng ahensya na magpapatuloy ang kanilang simultaneous payout ng Emergency Cash Transfer partikular na sa iba pang mga lalawigan hanggang February 9.
Sa tala ng DSWD, pumalo sa 262,000 na pamilya o katumbas ng higit isang milyong indibidwal ang naaprktuhan ng shear line mula sa apat na rehiyon sa Pilipinas.