Muli nanamang namahagi ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development sa lahat ng mga indibidwal at pamilyang naapektuhan ng mga naganap na sunog sa lungsod ng Maynila.
Kaugnay nito ay aabot sa higit isang libong pamilya ang nakinabang sa naturang ayuda pinansyal ng ahensya.
Nanguna rin sa pamamahagi ng naturang ayusa ay ang tanggapan no Sen. Bong Revilla Jr katuwang ang lokal na pamahalaan ng Maynila.
Ang naturang cash assistance ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang mga biktima ng sunog sa naturang lungsod ay nakatanggap ng tig tatlong libong piso na financial assistance.
Nakatanggap rin ng ayuda ang mga humingi ng tulong sa Manila Department of Social Welfare na mga residente mula District 1 hanggang District 6.
Sa naging pahayag naman ni Cong. Lani , pinaalalahanan nito ang lahat na mag-ingat ngayong panahon ng tag-init.
Ito ay upang makaiwas sa anumang insidente ng sung ngayong panahon na kung saan sunod-sunod ang mga insidente nito.
Tiniyak rin nito na laging nakahanda ang tanggapan ni Sen. Revilla para sa publiko na hihingi ng tulong.
Labis naman ang pasasalamat ng mga residente at biktima ng sunog na nakatanggap ng ayuda .
Ang ilan da mga ito ay nananatiling hirap sa pagbangon matapos ang kanilang naranasang trahedya. (With reports from Bombo Victor Llantino)