-- Advertisements --

Nagpaabot din ng tulong ang Department of Social Welfare and Development sa mga Filipino seafarers na biktima ng pag-atake ng Houthi rebels sa Gulf of Aden.

Ayon sa DSWD, namahagi ito ng Php10,000 na tulong pinansyal sa ina ng isa sa dalawang tripulante, habang may bukod din na tulong ang natanggap ng naulilang pamilya ng isa sa pang seafarer na nasawi sa naturang insidente.

Bukod dito ay nakatanggap din ng tig-Php20,000 na cash at food assistance ang 11 tripulanteng nakaligtas sa nasabing pag-atake na pawang mga nakabalik na muli dito sa bansa.

Ayon sa DSWD, ang tulong at suporta na kanilang ipinamahagi sa naturang mga biktima at kanilang pamilya ay bahagi ng kanilang pagkilala sa mga pagsubok na kinaharap ng mga survivors sa ginawang missile attack ng Houthi rebels sa kanilang barko.

Matatandaan na nitong Marso 6, 2024, dalawang Pinoy seafarers ang nasawi sa pag-atake ng Houthi rebels, habang 13 naman sa kanilang mga kasamahan ang nakaligtas, ngunit tatlo sa mga ito ang sugatan. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)