-- Advertisements --
Binigyan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tulong ang pamilya ng hazing victim na si Ahldyrn Bravante.
Sinabi ni Digna Esguerra-Cabrera ang lola ng biktima na sinagot umano ng DSWD sa Calabarzon ang gastusin sa punerarya.
Bukod pa dito aniya ay mayroong P10,000 na financial assistance ang ibinigay ng DSWD sa kaanak.
Inalok din ng DSWD ng educational assistance ang dalawang kapatid ni Ahldyrn at ang 6-anyos na anak na babae nito.
Inaasahan na darating ang ina ng biktima mula sa Oman ngayong Biyernes na agad na umuwi matapos na mabalitaan ang masamang sinapit ng anak.