Nagbigay babala ang Department of Social Welfare and Develompent sa mga benepisyaryo ng mga programa ng DSWD na nagsasanla ng kanilang mga ATM at gumagamit dito bilang collateral.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ilegal ang pagsasanla ng mga ATM o paggamit sa mga ito bilang collateral upang makautang.
Ang mga ibinibigay na ATM card o cash cards sa mga benepisaryo aniya ay eksklusibong para sa kanilang lamang. Oras na isanla o gawing collateral ang mga nasabing cash card, tinatanggal na rin ng mga ito ang kanilang pribilehiyong mailabas ang perang ibibigay sa kanila ng pamahalaan sa ilalim ng cash transfer program.
Babala ng kalihim na may akmang parusa para sinumang gagawa nito, katulad ng tuluyang pagkatanggal sa ibat ibang mag programa ng pamahalaan, kasama na ang mga susunod pang programa sa hinaharap.
Hinikayat naman ng kalihim ang mga benepisyaryo ng ibat ibang mga cash transfer program ng pamahalaan, katulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, na iwasan ang nasabing mudos upang mapanatili ng mga ito ang pagiging benepisyaryo.