-- Advertisements --

Nangangako ang DSWD na pangangalagaan ang sensitibong datos ng publiko, partikular na ang mga marginalized sector.

Ito ay sa gitna ng patuloy na pagsisikap ng DSWD tungo sa digitalization.

Upang mapatupad ang pag-iingat sa personal information ng publiko, ang mga hakbang ay isasagawa sa pamamagitan ng pagpapataas ng kapasidad nito sa proteksyon ng data at cyber security.

Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, nangangako ang kanilang ahensya na itataguyod ang pinakamataas na pamantayan ng data privacy upang matiyak ang tiwala at kaligtasan ng milyun-milyong mga mamamayan.

Binigyang-diin din ng DSWD chief ang pangangailangan para sa matatag na cybersecurity at data protection upang mapahusay ang mga serbisyo sa social protection.

Una nang nanawagan ang naturang departemento sa kanilang mga tauhan tumuon sa pagpapalakas ng kanilang data privacy na magiging daan upang maprotektahan ang mga impormasyon ng publiko na umaasa sa serbisyo ng DSWD.