Aabot sa Php10,000 na tulong pinansyal ang ipapaabot ng Department of Social Welfare and Development sa Cordillera Administrative Region para sa mga nasunugang residente sa Baguio City market.
Ayon sa naturang kagawaran, batay sa ulat na kanilang nakalap ay aabot sa 1,700 ang bilang ng mga tinderang apektado ng nasabing sunog ang nakatanggap na ng Assistance to Indviduals in Crisis Situation (AICS).
Layon nito na matulungan ang nasabing mga naapektuhan ng sunog na ibangon ang kanilang mga negosyong natupok ng sumiklab na sunog.
Bukod dito ay una na rin namahagi ng Php1.5 million na halaga ang DSWD para sa relief assistance ng mga indibidwal na apektado ng nasabing insidente.
Mayroon na ring 40,660 na mga family food packs ang naipamahagi ng kagawaran sa mga disaster-affected families at mayroon din itong Php5 million na standby funds para sa emergency relief supplies.