Iimbestighahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang misleading information na nagbunsod sa mga tao para dumugin ang kanilang tanggapan sa National Capital Region (NCR) sa Maynila para mag-apply sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ngayong araw.
Muling nilinaw ng DSWD na suspendido pa rin ang pamamahagi ng financial assistance dahil inaayos pa ang pondo.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez, maging sila ay nagulat dahil sa biglaang pagdumog ng mga tao sa kanilang tanggapan para mag-apply sa ayuda gayong natalakay na aniya noon pang nakalipas na linggo na kanselado pa rin ang pamamahagi ng financial assistance at wala ding naka-schedule na parehog aktibidad ngayong araw.
Una rito, ilang mga applicants na pawang mga senior citizen, solo parents at mga estudyntye ang masigasig na nag-antay sa tanggapan ng DSWD-NCR simula pa kahapon.
Ibinunyag naman ni DSWD officer-in-charge Undersecretary Edu Punay na base sa kanilang initial investigation, isang behikulo ang nagdala ng mga tao sa kanilang tanggapan.
Kung kayat kanilang iimbestigahan ang maling impormasyon na nag-misled sa mga tao.
Inatasan naman ang kawani ng DSWD-NCR na pangasiwaan ng maayos ang sitwasyon para na rin sa convenience ng mga concerned appilcants.