-- Advertisements --

Hindi na tatanggap ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng walk-ins para sa pamamahagi ng educational cash assistance sa mga indigent students para maiwasan ang crowding sa payout sites.

Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo maliban sa online maaaring magrehistro sa pamamagitan ng QR code o text kung walang gamit na smartphone.

Tinawag naman ng kalihim na blessing in disguise ang nangyaring aberya noong nakalipas na Sabado sa educational payout para gamitin ang digital system na unan na ring inihayag ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr na gawing digitalize ang government transactions at ito na aniya ang simula.

Nilinaw naman ni Tulfo na makakatanggap ng text message ang mg applicants mula sa DSWD kung kailan sila pupunta sa payout sites na tutukuyin ng LGUs at tatawagan ang mga benepisyaryo sa alphabetical order.