Pinaplano ngayon ng Department of Social Welfare and Development na gumamit ng mga e-wallet para sa pamamahagi ng cash aid para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Sa isang statement ay sinabi ng ahensya naniniwala itong ang paggamit ng e-wallet ay mas makatutulong para sa kanilang mga benepisyaryo partikular na ang mga indibidwal na nakatira pa sa malalayo at liblib na mga lugar.
Ayon kay DSWD Spokesperson Asec. Romel Lopez, ang hakbang na ito ay maituturing na upgrade lamang sa pamamahagi ng 4ps cash aid mula sa dating basic deposit accounts na kasalukuyang paggamit ng current automated teller machine, na patungo naman ngayon sa pamamahagi sa gamit ang electronic o digital wallet.
Samantala, kaugnay nito ay nagsagawa na rin ang DSWD ng digital financial literacy programs sa pakikipagpartnership na rin sa iba’t ibang mga bangko, foundation, at e-wallet platforms mula noong Pebrero 24 hanggang Pebrero 29, 2024 para sa ihanda ang kanilang mga benepisyaryo sa e-wallet migration program ng kagawaran. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)