Bukas si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na makatrabaho ang bagong talagang Presidential Adviser for Poverty Alleviation na si Lorenzo “Larry” Gadon para mapaigting pa ang mga inisyatibo ng ahensiya para ma ang kahirapan sa bansa.
Pinasalamatan naman ni Gadon si Sec. Gatchalian sa pagiging bukas nito na makatrabaho siya sa pagpapatupad ng mga programa ng Marcos administration para malabanan ang kahirapan.
Ayon sa anti-poor czar, patunay lamang ito na nagkakaisa ang mga opisyal ng ahensya ng gobyerno para makamit ang layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. gayundin ang adbokasiya sa pagtulong sa ating mga kababayan na nasa antas ng kahirapan.
Kabilang sa mga poverty alleviation programs ng DSWD ay ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Kapit Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive Delivery of Social Services (KALAHI-CIDDS), Sustainable Livelihood Program (SLP), Listahanan or National Household Targeting System for Poverty Reduction, at Unconditional Transfer Program.
Una ng sinabi ni Gadon na kanyang tututukan ang pagpapalakas ng micro-industries para mabigyan ng trabaho ang mga Pilipino at isusulong ang nutrition program na tinawag na BM: Batang Busog, Malusog para matugunan ang kahirapan.
Magugunita din sa unang state of the nation address ni PBBM, kaniyang nabatid na target nitong mapababa sa 95 o single-digit ang poverty rate sa ating bansa pagsapit ng 2028 o bago matapos ang kanyang termino.