-- Advertisements --

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa Government Internship Program (GIP) ngayong taon.

Ang mga mag-aaral sa kolehiyo sa pagitan ng edad na 19 at 25 anyos ay karapat-dapat na mag-aplay para sa Government Internship Program.

Tatanggap ang departamento ng mga aplikasyon mula Mayo 9 hanggang Mayo 12.

Ayon sa DSWD, ang buwanang kita ng pamilya ng mga aplikante ay hindi dapat lumampas sa kasalukuyang poverty threshold na P12,082 para maging kwalipikado sa programa.

Bilang karagdagan, dapat nilang ipakita ang kanilang mga card sa pagbabakuna sa Covid-19.

Magkakaroon ng 75 slots na makukuha sa bawat DSWD Field Office, at 35 slots sa DSWD Central Office.

Ang nasabing programa ay isang bahagi ng programang Kabataan 2000 ng gobyerno ng Pilipinas, na naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga in-school youth na magkaroon ng praktikal na karanasan sa pagtatrabaho sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Una na rito, ang mga kwalipikadong kalahok sa Government Internship Program ay maglilingkod ng 30 araw ng trabaho at babayaran ng katumbas ng 75 porsiyento ng kasalukuyang antas ng sahod sa rehiyon.