Tinututukan na rin ng Department of Social Welfare and Development ang kapakanan ng mga kabataan na namamalagi sa mga evacuation center sa Albay.
Sila ay kabilang sa mga inilikas ng mga kinauukulan dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Ayon sa naturang ahensya, kinakailangan na matiyak na nasa ayos ang sitwasyon ng mga kabataang inilikas.
Paliwanag pa ng ahensya, nagsasagawa na rin sila ng mga hakbang upang masiguro niyo na mabibigyan ang mga kabataan ng emotional at psychological support.
Kabilang na rito ang pagsasagawa ng mga film screening activity para sa kanila.
Isinagawa na rin ng DSWD Bicol regional Office ang learning session sa Bungkaras at Taladong Evacuation Centers sa Camalig, Albay.
Layunin nitong masiguro na magpapatuloy pa rin sa pag-aaral ang mga displaced students.
Batay sa pinakahuling datos ng ahensya, tinatayang aabot sa P33 milyon ang humanitarian assistance na naipamahagi ng kanilang ahensya sa mga apektado ng pag-aalburuto ng bulkan