Pumirma ng kasunduan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasama ang dalawang pribadong organisasyon para mapalakas pa ang propesyon ng mga social workers sa bansa.
Sa ilalim ng naturang kasunduan, pangungunahan ng DSWD ang pagbalangkas ng mga pamantayan at patakaran para sa kabuuang regulation ng social work profession.
Magbibigay din ng technical assistance ang DSWD sa mga Social Welfare and Development Agencies (SWDAs) sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Sa panig ng pribadong sektor, magbibigay ito ng sapat na suporta para sa learning intervention ng mga social workers ng bansa, lalo na sa DSWD Academy.
Ang DSWD Academy ay isang learning facility para sa mga social workers kung saan sila sumasailalim sa malawakang training, para malinang ang kanilang kakayahan.
Ayon kay Sec. Sherwin Gatchalian, kailangan ng ahensiya ang tulong ng mga pribadong organisasyon, para sa mas malawakang paglinang sa kakayahan ng mga manggagawang panlipunan.