Ilulunsad ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Commission on Human Rights ang programa na para alalayan ang mga palaboy sa lansangan.
Ayon sa DSWD na layon ng proyekto na tulungan ang mga tinatawag na ‘children, at individual in street situations’ sa pamamagitan ng mga reach-out operation at iba pang intervention.
Nakatakdang ipresenta ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, at Oplan Pag-Abot team head Usec. Eduardo Punay ang step-by-step reach-out process sa mga pamilya at indibidwal na nasa lansangan.
Kasama rito ang initial interview o counseling kung saan kukunan ng biometrics, at bibigyan ng identification cards ang bawat indibidwal, at isasalang sa assessment.
Ibabatay sa assessment ang tulong na ilalaan para sa mga kliyente kabilang ang medical assistance, food support, transportation at relocation aid, livelihood opportunities, transitory family support packages, emergency financial assistance, at transitory shelter assistance.
Target muna itong simulan sa Metro Manila bago isunod sa ilang bahagi ng bansa.