Arestado ang isang drug personality sa isinagawang operasyon ng PNP at PDEA sa probinsiya ng Sulu.

Hindi lamang ang mga iligal na droga kundi malalakas na uri ng baril ang nakumpiska rin ng mga otoridad.

Nakilala ang suspek na si Evelyn Mallida Kiram, 38,, residente ng Brgy. East kuntad, Siasi, Sulu.

Sa report ni C/Supt. Graciano Mijares, regional police director ng ARMM, inilunsad ang drug buy bust operation ng mga tauhan ng Siasi Municipal Police Station, Sulu PPSC at PDEA laban kay Kiram kahapon ng hapon.

Isang mahabang sachet na pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska sa suspek.

Ngunit nang halughugin ang bahay ay nabawi rito ang tatlong malalakas na uri ng mga baril.

Narekober sa bahay ni Kiram ang dalawang M16 armalite rifle, at isang cal. .30 M1 garand rifle.

Nagpasalamat naman si Mijares sa impormasyon na ipinarating sa kanila ng publiko na nagresulta sa pagkaaresto ng drug suspek na si Evelyn Kiram.