-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nabulaga ng tropa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay ang isang high value target sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Puro, Legazpi City.

Arestado sa naturang operasyon si Roque Bornilla na residente ng Brgy. San Lorenzo, Tabaco City.

Kasama ring nasamsam sa naturang operasyon ang nasa dalawang plastic bag ng pinaniniwalaang shabu na tumitimbang ng 100 gramo at may market value na P680,000.

Nakumpiska pa maging ang ginamit na cellphone sa transaksyon at boodle money.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PDEA Albay Provincial Officer Noe Briguel, matagal nang minanmanan ng mga operatiba ang suspek na nakikipagtransaksyon hindi lamang sa unang distrito ng lalawigan kundi pinasok na rin ang second district.

-- Advertisement --

Samantala, nananatili na ito sa PDEA jail facility habang posibleng isailalim sa inquest proceeding mamayang hapon para sa kakaharaping kaukulang kaso.