CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang tulak droga nang manlaban umano sa mga pulis sa Cotabato City.
Nakilala ang napatay na si Ryan Sabas, alyas Dodong, 38, may asawa at residente ng Purok Uno Barangay Rosary Heights 9 Cotabato City.
Ayon kay Cotabato City Police Director Richard Fiesta na nagsagawa ng drug buy-bust operation ang mga tauhan ng City Drug Enforcement Unit katuwang ang City Intelligence Branch at sa koordinasyon ng PDEA-BAR malapit sa tahanan ng suspek.
Ngunit natunugan ni Sabas na mga pulis ang kanyang katransaksyon kaya nanlaban daw ito.
Pinaputukan ng suspek ang mga pulis kaya napilitan itong barilin si Sabas.
Nagtamo ng maraming sugat ang suspek kaya agad itong binawian ng buhay.
Narekober ng SOCO team sa lugar ang isang .38 revolver at ilan pang mga ebidensya tulad ng isang pakete ng suspected drugs at ang ginamit na genuine P1,000 bill na buy bust money.