-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Balik-kulungan ang isang drug personality matapos ang nangyaring buy-bust operation sa Barangay Dao, Pilar, Sorsogon.

Inaresto si Lemuel Lucena II, 44-anyos na residente ng Barangay Binanuahan sa kaparehong bayan sa matagumpay na operasyon ng mga otoridad.

Nagresulta rin ito sa pagkakarekober ng buy-bust money na P500 at isang sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Sa paghahalughog ng gamit ni Lucena, nakuha pa ang dalawang sachet ng kaparehong substance, cellphone na ginamit sa transaksyon at lighter.

Nai-turnover na ang mga narekober na ebidensya sa Regional Crime Laboratory Office para sa laboratory examination habang dinala na sa pulisya si Lucena para sa karampatang disposisyon.

Napag-alaman na una nang na-convict si Lucena sa kaparehong kaso subalit nabigyan lang ng probation.