-- Advertisements --

Bumabalik na umano sa normal ang supply ng paracetamol at iba pang gamot sa trangkaso at sipon.

Ayon kay Trade Usec. Ruth Castelo, may commitment ang mga gumagawa ng gamot na magiging normal na ngayong weekend ang dami nito sa mga botika.

Sa kabila nito, patuloy umanong tatanggap ng mga sumbong ang DTI para malaman ang tunay na sitwasyon sa iba’t-ibang lugar.

Imo-monitor din aniya ang iba pang gamot at vitamins na nabibili sa mga bitika na nakitaan ng pagtaas ng demand sa mga nakalipas na araw.

Una nang binigyang-diin ng DTI na wala talagang shortage, kundi artificial na demand lamang nitong pagpasok ng 2022, dahil sa mga nakakaranas ng ful symptoms.