-- Advertisements --
drug den1

LEGAZPI CITY – Sinalakay ng mga otoridad ang isang drug den sa Brgy. Sto. Cristo, Tabaco City at apat ang naaresto.

Naaktuhan pa ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay sa pot session ang mga ito.

Nagkahabulan pa kung saan nakatakas ang ilan pang bumisita sa drug den.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PDEA Albay Provincial Director Noe Briguel na base sa impormasyong natanggap, dinarayo at matagal nang nag-ooperate ang naturang drug den.

Subject ng operasyon si Fernando Buena alyas “Pando,” 64-anyos na sinasabing drug den maintainer habang arestado rin sina Jeffrey Placido, Marcelino Arabia at isang menor de edad.

Nasamsam rin mula sa paghahalughog ang isang malaking plastic bag ng pinaniniwalaang shabu, anim pang maliliit na sachet at ilang non-drug paraphernalia na nasa P340,000 ang tinatayang halaga.

Patong-patong na kaso naman ang kakaharapin ng mga naarestong indibidwal.