Drug dealer naaresto sa Maguindanao P1.7M na shabu nasamsam
CENTRAL MINDANAO-Nalambat ng mga otoridad ang isang drug dealer sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang suspek na si Jomar Vidad Miral alyas Jimboy/ Mark, 31 anyos,binata at residente ng Barangay Nuro Poblacion Upi Maguindanao.
Ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region (PDEA-BAR) na nagsagawa sila ng drug buybust operation sa national highway ng Barangay Poblacion Talayan Maguindanao laban sa dalawang drug suspects.
Nang i-abot na ni Miral ang shabu sa PDEA-agent ay doon na siya hinuli habang nakatakas ang kanyang kasama na si Kail Abas.
Narekober kay Miral ang 250 grams na shabu na nagkakahalaga ng 1.7 Milyon pesos,mark money at ibang personal na kagamitan.
Napag-alaman na ang dalawang suspek ay sangkot sa large-scale selling ng iligal na droga.
Nakapiit na sa costudial facility ng PDEA-BAR ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso habang pinaghahanap pa ng mga otoridad si Abas.