-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nalambat ng mga otoridad ang mailap na drug dealer sa Cotabato City.

Nakilala ang suspek na si Benjamin Bolod Roger habang nakatakas ang kanyang kasama na si alyas Aya.

Ayon kay Cotabato City Police Director Colonel Rommel Javier na nagsagawa ng drug buybust operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region (PDEA-BAR) katuwang ang pulisya at militar sa Kalaw Street Barangay Rosary Height 11 sa syudad.

Nang i-abot na ni Roger ang shabu ay doon na ito hinuli at nakatakas ang kanyang kasama.

Narekober sa mga suspek ang 10 malalaking pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon,isang libong piso na ipinatong sa limang bundle ng one thousand photocopied peso bill, isang keypad cellphone at three hundred pesos.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng PDEA-BAR at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.