-- Advertisements --

Umapela ang mga abogado ni Julian Ongping sa Department of Justice (DOJ) na ibasura ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

Sa kanilang November 3 petition, sinabi nina Atty. Dennis Manalo at Roberto Francisco Beltran, bigo ang mga pulis na sumunod sa mga patakaran hinggil sa pagha-handle ng mga ebidensya kasunod nang pagkakatuklas sa pagkamatay sa girflriend ni Ongpin na si Bree Johnson sa Flotsam and Jetsam Hostel sa La Union noong Setyembre 18, 2021.

Ang pulis anila na rumesponde sa report na may natagpuang bangkay sa isa sa mga kwarto sa naturang hostel ay lumabag sa “chain of custody rule”, kung saan inoobliga ang presensya ng akusado, kanilang kinatawan o counsel; isang elected official; kinatawan ng National Prosecution Service; o media representative sa crime scene.

Partikular na tinukoy ng naturang mga abogado ni Ongpin ang kabiguan ng SOCO unit na sumunod sa patakaran na ito nang kanilang markahan, nagsagawa ng physical inventories at kinuhanan ng litrato ang mga nakumpiskang iligal na droga kahit walang required na mga witnesses.

“This is the exact situation that the Chain of Custody Rule prohibits, that is, an investigation with the high possibility of planting, tampering or alteration of the subject drugs on account of the absence of the accused and other essential witnesses during the processing of the crime scene,” giit ng mga abogado ni Ongpin.

“Consequently, there is no admissible evidence of the corpus delicti in this case, which in People v. Rolando Salenga, the court explained to be necessary to establish the four factors of integrity of the confiscated drugs,” dagdag pa nila.

Sa kanilang petition para ipabasura ang naturang kaso, sinabi ng mga abogadong ito na ang cocaine na natagpuan sa kwarto na inokupa nina Ongpon at Jonson ay hindi pagmamay-ari ng nauna at sa halip ay natagpuan sa isang bag na naglalaman ng gamot at iba pang personal na gamit ng huli.