Kumalat sa social media ang panawagang tanggalin sa line up ng senatorial slate nina presidential candidate Leni Robredo at Villvoce presidential aspirant Kiko Pangilinan si Sen Dick Gordon kasunud ng ilang insidente ng pagpapakita nito ng kabastusan sa mga campaign sortie.
Sa Robredo-Pangilinan Peoples Rally sa Nueva Ecija ay hindi nagustuhan ng mga “kakampinks” ang inasal ni Gordon nang ipakilala niya ang senatorial slate.
Ani Gordon, mayroong mga abogado, incumbent senators subalit nang ipakilala nya si dating Rep. Teddy Baguilat ay ginaya nya ang katutubong sayaw para ilarawan si Baguilat sabay tawa bandang huli.
Ayon sa ilang tweet ng mga netizens hindi lang ginagaya ni Gordon si Baguilat kundi mayroong pangungutya.
Sa panig ni Baguilat sinabi nito sa isang Tweet na hindi sya na-offend sa paggaya sa kanya ni Gordon gayunpaman kailangan nyang turuang magsayaw ng katutubo dance na Dinuy-a ang senador.
Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang panawagan ng netizens na ilaglag ng Leni supporters si Gordon, sa ilang social media posts ay tinukoy nito ang insidente sa Surigao City na inagawan ng mikropono ni Gordon ang surrogate ni Sen Leila de Lima sa campaign sortie na si Zena Bernardo na syang unang dapat na magsasalita sa entablado gayundin ang batos na istilo nito ng pagsasalita sa sorties na palagiang may diin sa kanyang pangalang “ Dick.”