-- Advertisements --
image 123

Humingi ng tawad ang drone supplier kaugnay sa baliktad na display ng watawat ng Pilipinas sa drone show nito sa katatapos lamang na 2023 Palarong Pambansa.

Sa naturang drone show kasi, nasa bandang itaas ang pulang kulay ng bandila ng Pilipinas at nasa ibabang bahagi naman ang kulay asul sa naging closing ceremony sa Marikina Sports Center na taliwas sa nakasaad sa batas.

Agad na nag-isyu ng apology ang drone supplier sa lokal na pamahalaan ng Marikina at sa bansa sa matinding pagkakamali at abalang idinulot nito sa drone show.

Ipinaliwanag din ng supplier na dapat sinuri muna nila ilang araw bago ang event para naitama pa ito subalit hindi na aniya ito nagawa dahil sa ilang gabi na masama ang lagay ng panahon at signal interference sa nasabing lugar.

Dagdag pa ng supplier na wala silang masamang intensiyon sa sinuman, sa mamamayan ng Marikina maging sa bansa sa kabuuan.