BAGUIO CITY – Nasampahan na ng kaso ang driver ng kote na nakabangga sa apat na police trainees at isang field training officer sa Amistad Road, Camp 7, Baguio City.

Nakilala ang driver na si Johnsen Lunag Ong, 28-anyos at residente ng City Camp Allen, Baguio City.

Nakilala naman ang mga nasaktang police trainees na sina Christian Umay-o, Crisanto Lasbacan, Bret Tindongan at Kitty Faith Senay habang ang field training officer ay si Police Master Seargent Wilhelm Guillermo.

Ayon sa Baguio City Police Office, nadiskubreng walang driver’s license angs suspek.

Maaalalang nabangga ang mga naturang police trainees at ang field training officer habang silang ay nagjo-jogging .

Ayon sa BCPO, nasa impluwensiya ng alak ang suspek nang nangyari ang insidente.

Una nang nakalabas ng ospital ang apat sa mga biktima habang ang isa ay nagpapagamot pa.