-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Wasak ang isang sasakyan sa nangyaring vehicular accident sa Kidapawan City.
Sa ulat ng pulisya nag-overtake umano ang driver ng Toyota Innova sa isang bus sa Barangay Amas Kidapawan City ngunit hindi nito namalayan ang kasalubong na Ten Wheeler truck Wing Van.
Dahil sa tindi nang pagkabangga wasak ang unahang bahagi ng Toyota Innova.
Nagtamo ng matinding sugat ang driver at naputol pa ang kanyang braso na agad dinala sa Pagamutan.
Nadamay naman ang isang motorsiklo nang mahagip ng Wing van.
Panawagan ngayon ni Kidapawan City Chief of Police Lieutenant Colonel Peter Pinalgan sa mga nagmamaneho ng sasakyan na dahan-dahan lamang at mag-ingat para iwas disgrasya.