-- Advertisements --

CEBU CITY – Bukas na sa publiko simula ngayong Biyernes, Hulyo 24 ang ‘Drive-thru, walk-thru’ testing na inilunsad ng Vicente Sotto Memorial Medical Center para sa RT-PCR test ng SARS Cov2(COVID-19).

Para ito para sa lahat na nagnais na magpaswab test kung saan kailangan lang magparehistro online ang isang indibidway para mabigyan ng schedule.

Matapos maibigay ang scheduled appointment sa swab test, bibigyan din ito ng detalye sa information plates.

Bukas naman ang nasabing tanggapan mula Lunes hanggang Biyernes sa alas 9 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon.

Wala din dapat ikabahala ang publiko sapagkat wala itong babayaran na testing fee at ipapadala lang ang resulta via email sa loob ng 4 na araw.

Makakatanggap din ng kopya sa resulta ang LGU para sa contact tracing sakali mang magpositibo ito sa nasabing virus.