-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Bentahe para sa mga indibidwal na uuwi ng Bicol ang isinusulong na drive-thru testing sa bayan ng Polangui.

Inihayag ni Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) chief Dr. Cedric Daep sa Bombo Radyo Legazpi na hindi naman mapipigilan ang paglusot ng mga residente na uuwi kaya’t mas maiging isailalim na muna sa rapid diagnostic tests ang mga ito.

Ang hakbang na ito ay mandatory para sa mga uuwi ng Albay kung saaan kailangan nilang siguraduhin na mayroon silang travel pass, medical certicite at ID. Bibigyan lamang ng oas ang mga dadaan patungo sa lalawigan.

Nilinaw naman ni Daep na may babayarang fee ang mga magpapa-test upang maipagpatuloy ang operasyon. Ito’y dahil paubos na rin umano ang kanilang pondo.

Hindi na isasailalim sa quarantine ang mga magne-gatibo sa COVID-19 test subalit kung walang pambayad sa testing ay pwede naman daw sumailalim ang mga ito sa mandatory 14-day quarantine.

Inaasahang nasa 300 hanggang 400 katao ang sasailalim sa test kada-araw.

Aminado naman si Daep na walang kakayahan ang provincial government sa mga humihiling na idiretso na sa mandatory swab test dahil wala umanong machine at kulang na rin ang pondo.