-- Advertisements --

Binigyan na ng clearance si Golden State Warriors forward at 2017 defensive player of the year Draymond Green para makabalik muli sa pag-eensayo sa court.

Ito ay ilang araw bago ang tuluyang pagsisimula ng NBA 2023-2024 season.

Natukoy ng medical team ang patuloy na pagbuti ng kalagayan ni Green matapos ang ilang araw nitong rehabilitation, mula sa sprained left ankle na kanyang tinamo habang nage-ensayo bago ang pagsisimula ng preseason.

Batay sa clearance na ibinigay sa kanya ng Warriors medical team, maaari na siyang makibahagi sa mga team practice (5-on-5).

Gayunpaman, wala pang timetable na inilabas para sa kanyang tuluyang pagbabalik para makapaglaro.

Ang magiging basehan ng kanyang tuluyang pagbabalik, ayon sa Warriors management, ay ang progreso ng kaniyang rehabilitasyon.

Nakatakdang harapin ng GSW ang Phoenix Suns sa season opener pagsapit ng Huwebes, Octobre 26, oras sa Pilipinas.