-- Advertisements --

Tinambakan ng Bay Areas Dragon ang Rain or Shine 120-87 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Bumida sa panalo ang nagbabalik na import ng Dragons an si Myles Powell na nagtala ng 50 points sa laro na ginanap sa Ynares Center.

Mula simula ay dominado ng Dragons ang laro at hindi na nila pinayagang lumamang pa ang Elasto Painters.

Mayroon ng pitong panalo at dalawang talo ang Dragons habang mayroong apat na panalo at limang talo ang Rain or Shine.