-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup ang Bay Area Dragons.

Ito ay matapos na tambakan ang Rain or Shine Elasto Painters sa laro na ginanap sa Philsport Arena.

Nanguna sa Dragons si Hayden Blankey na nagtala ng 47 points habang mayroong 32 points at walong rebounds si Andrew Nicholson.

Ginamit ng Dragons ang tangkad laban sa mga Painters.

Susunod na makakaharap nila ang sinumang manalo sa pagitan ng San Miguel Beermen at Converge.