-- Advertisements --
Nakuha ng Bay Area Dragons ang unang panalo 103-102 sa best-of-five semifinals nila ng San Miguel Beermen sa PBA Commissioner’s Cup.
Hinabol ng Dragons ang 16 na kalamangan ng Beermen para maipanalo ang laro.
Nanguna sa panalo para sa Dragons si Andrew Nicholsons na nagtala ng 30 points at 15 rebounds.
Naging bida naman si Kobey Lam dahil sa naipasok nito ang kaniyang layups sa natitirang 7.1 seconds ng laro.
Nasayang naman ang ginawang 24 points ni CJ Perez at 21 points ni Terrence Romeo para sa Beermen.









