-- Advertisements --

Pinigilan ng Bay Area Dragons ang Barangay Ginebra na makuha ang kampeonato matapos madala sa game 7 ang best of seven finals 87-84 sa laro na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Bumida sa panalo ng Dragons si Myles Powell na nagtala ng 29 points para pahiyain ang Ginebra sa harap ng mahigit 22,000 fans.

Nag-ambag naman ng 23 points si Hayden Blankey habang mayroong tig 10 points sina Zhu Songwei at Glen Yang.

Hinabol pa ng Dragons ang pitong puntos na kalamangan ng Ginebra sa last quarter.

Sa third quarter ay nabura na ng Ginebra ang 12 points na kalamangan ng Dragons sa pangunguna ni import Justin Brownlee at Christian Standhardinger.

May tsansa pa sanang madala ng Ginebra sa overtime ang laro ng tangkain ni Japeth Aguilar ang three-points subalit ito ay mahigpit na naguwardiyahan ng Dragons.

Gaganapin ang Game 7 sa araw ng Linggo, Enero 15 sa Philippine Arena.