-- Advertisements --
Nasunog ang 45-talampakan na Disneyland dragon float habang sa kasagsagan ng isang palabas sa Anahem, California.
Naglabasan ang mga tao sa nasabing theme park at walang naiulat na nasugatan o nasawi.
Mabilis naman na nakapagresponde ang Anaheim Fire Department sa lugar at kanilang naapula rin ang sunog.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog sa lugar.