-- Advertisements --
image 49

Nanawagan na ng donasyon ang drag queen na si Manila Luzon para sa pampiyansa sa kamakailan lang na inarestong si Pura Luka Vega.

Ito ay matapos nga arestuhin ng Manila Police District Station 3 sa Quiapo, Maynila ang naturang drag artist nang dahil pa rin kontrobersyal na performance nito ng “Ama Namin remix” habang nakasuot ng costume ng Itim na Nazareno.

Gamit ang kaniyang mga online platform ay nanawagan ng donasyon si Manila sa pamamagitan ng pag po-post ng QR codes at account numbers para sa fund raising pangpiyansa ni Pura.

Kung maaalala Tuluyan nang naaresto ng mga awtoridad ang kontrobersyal na si Amadeus Fernando Pagente o mas kilala sa screen name na Pura Luka Vega sa kanyang residensya sa Sta. Cruz , Manila.

Ang pag-aresto kay Pura Luka Vega ay may- kaugnayan sa kasong inihain sa kanya na Immoral Doctrine, Obscene, Publications and Exhibition and Indecent shows.

Ito ay sa bisa na rin ng Arrest Warrant na inilabas ng Manila RTC Branch 36.

Ayon sa mga awtoridad, nabigo si Vega na dumalo sa mga isinagawang preliminary investigation hinggil sa kanyang mga kinakaharap na kaso.

Aabot naman sa 72,000 pesos ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.