-- Advertisements --
Nagpaliwanag si Dra. Vicki Belo sa lumabas na usapin na hindi ito pinansin ni Heart Evangelista ng magkita sila sa Milan Fashion Week.
Sa kaniyang social media, sinabi ni Belo na nagbibiruan lamang sila ni Alex Gonzaga ng makapanayam siya nito.
Paglilinaw nito na hindi aniya nila nakita si Heart dahil niya alam na nandoon sila sa fashion event na ginanap noong Setyembre 20 hanggang 26.
Hinikayat na lamang nito ang mga fans na panoorin ang kaniyang vlog para malaman na nagbibiruan lamang sila ni Alex.
Maging si Alex ay nilinaw na nagbibiruan lamang sila ng celebrity doctor.