-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang tungkulin bilang special adviser ng Department of Health si Dr. Tony Leachon.

Sa resignation letter nito kay DOH Secretary Teodoro Herbosa na epektibo agad ang kaniyang pagbibitiw bilang Special Adviser for Noncommunicable Diseases ng DOH.

Dagdag pa nito na personal na desisyon niya ang pagbibitiw at ito ay nakakabuti sa kaniyang katawan at sa pamilya.

Si Leachon ay itinalaga sa puwesto ng wala pang isang buwan.

Magugunitang pinuna si Leachon sa budget hearing ng DOH sa House of Representatives kung saan tinawag ito ng mga mambabatas na hindi naman aniya ito public health expert.